Kaarawan

Eccles 12:1  Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masamang araw, at ang mga taon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon;

Eccles 12:2  Bago ang araw, at ang liwanag, at ang buwan, at ang mga bituin ay magdilim, at ang mga alapaap ay magsibalik pagkatapos ng ulan.

Eccles 12:3   Sa kaarawan na ang mga tagapagingat ng bahay ay manganginginig, ang mga tuhod may rayuma at arthritis na at ang mga malakas na lalake ay mapapayukod,  kuba na at ang mga manggigiling  ay mangaglilikat sapagka’t sila’y kaunti, ipin bungal na pati mani di na manguya dalawa lang kasi ang ipin di pa magkatapat at yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw, malabo na ang mga mata

Eccles 12: 4  At ang mga pintuan ay sasarhan sa mga lansangan; takot nang palabasin ng mga anak baka kung saan mapunta kaya kinukulong pagka ang tunog ng giling ay hunina, ayan humina na ang pandinig, bingi na at ang isa’y babangon sa tinig ng ibon, ang agang gumising masakit na kasi ang likod at balakang sa pagtulog at lahat ng mga anak na babae ng tugtugin ay mabababa; di na makakanta ng mataas na tuno

Eccles 12:5 Oo, sila’y mangatatakot sa mataas, kailangan na ng power balance at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan; takot ng masagasaan ng bisikleta at ang puno ng almendro ay mamumulaklak;  buhok ay puti na o di kaya ay kalbo na at ang balang ay magiging pasan, mahina na pati magaan mabigat na sa kanya at ang pita ay manglulupaypay:  wala ng sex life sapagka’t ang tao ay pumapanaw sa kaniyang malaong tahanan, at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan: Ayan ibuburol ka na, baka pati kabit mo at anak sa labas magsisipanangis

Habang bata ka pa, magbago ka na Teng bago ka man lang tangisan at ilibing!

Advertisements

About Elpidio Cerezo Biado

I am a licensed real estate broker from Antipolo Philippines.
This entry was posted in Kaligtasan and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s