Pasko Na Naman

kastoy-merrychristmasPasko na naman at balik na naman tayo sa ating nakaugalian.

Abala ang lahat sa pagbili ng mga regalo at handa para sa sinasabi nilang noche buena.

Handaan, bigayan ng regalo, reunion ng pamilya at  magkakamag-anak, pagmumunimuni at sa masasama naman, tigil muna sa paggawa ng di mabuti. Sa isang masusing pag-iisip, Ano nga ba talaga ang Pasko?

Kung ito nga ang araw ng pagsilang ni Kristo, ano nga ito sa iyo? Mas maigi pa nga yung kaarawan ng kamatayan. Doon kasi matatapos ang iyong mga gawa at hahatulan ka sa paghuhukom ayon sa iyong mga gawa noong ikaw ay nabubuhay pa.

Eccles 7:1  Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan.

Sa mga Kristiyano, ito yung tinatawag na pagbabago. Paglimot ng mga kasalanang nagawa mo bago mo nakilala si Kristo.

Eph 5:8 Sapagka’t noong panahon kayo’y kadiliman, datapuwa’t ngayon kayo’y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan:

At kapag nakilala mo na Siya, mamumuhay ka nang sang-ayon sa kanyang mga itinuro na iniutos sa kanya ng Dios at isinulat naman ng mga Apostol para sa mga lahi pang darating hanggang sa panahon ng kawakasan.

Heb 6:1  Kaya’t tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios,

Sa mga nag-iisip, ang pasko ay isang kasinungalingan. May Santa Klaus na hindi naman babae kundi isang lalaki, May Santa Maria (Aba Ginoong Maria) na ginawang ginoo, May simbolo ng snow na para bagang ipinanganak si Kristo sa panahong nagyeyelo ang paligid.

Lk 2:8 At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.

Kaya nga Siya ipinanganak sa sabsaban dahil wala nga ang mga tupa sa loob kundi nasa labas. Kung nagyeyelo sa labas di kawawa naman yung mga tupa sa labas na giniginaw. Para sa akin ang December 25 na ginawang Pasko ay isang sarsuela lamang na inimbento ng tao at di dapat paniwalaan.

Advertisements

About Elpidio Cerezo Biado

I am a licensed real estate broker from Antipolo Philippines.
This entry was posted in Pasko and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s