Manigong Bagong Taon

kastoy-newyearPutukan doon, Putukan dito. Ganito ang pagsalubong ng ating mga kababayan sa pagpapalit ng taon. Hindi na yata maaalis sa kanila yung paniniwalang magpapalayas daw ng masasamang espiritu at malas ang ingay ng paputok.

Natatandaan ko nung may alaga pa lang kaming aso, nanginginig yun sa takot dahil sa walang puknat na putukan na ginagawa ng mga kapitbahay namin.

Ako naman, habang pinapanood ko yung Judas belt na sinindihan ng kapitbahay namin noong nakaraang taon, nasasabi ko sa aking sarili, sayang lang ang pera nila. Kung ibinigay na lang sana dun sa namumulot ng basura, nakatulong pa sana sila sa Basurero at  sa kanyang mga mahal sa buhay. Kill joy na kung kill joy, pero yun ang paniniwala ko.

Sa Biblia, ano ba talaga ang nakapag-aalis ng masasamang espiritu?

Jas 4:7 Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa’t magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.

Kailan kaya mawawala ang namana natin sa mga paganong intsik. Kahit yata magpalabas ka sa Television ng mga naputukan sa kamay at mga nadisgrasya  ng ligaw na bala galing sa baril ng mga lasing, wala yatang pakialam yung mga walang puso at walang habag nating mga kababayan.

Rom 1:31  Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag:

Sa pagsapit ng bagong taon, ating ipagpasalamat ang biyayang ating natanggap sa nagdaang taon at idalangin, na sa kinaumagahan na  kung tayo ay magising pa, ay bigyan niya tayo ng malusog na pangangatawan na handang dumamay sa ating kapwa.

Advertisements

About Elpidio Cerezo Biado

I am a licensed real estate broker from Antipolo Philippines.
This entry was posted in Nakaugalian and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s