Birthday Ko Ngayon!

kastoy-happybirthday♪♫ Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you!♫♪

♫♪ Sa iyo ang inumin, sa iyo ang pulutan, happy happy happy Birthday, sana’y malasing mo kami….♪♫

Ganito ako noon at hindi na ngayon. Mas pinahahalagahan ko kasi yung araw ng bautismo sa espiritu. Ang araw ng paghingi ko nang tawad sa mga kasalanan na nagawa ko sa hindi ko pagka-alam ng katotohanan.

Ito ang araw na ako’y namatay sa kasalanan. Kung Kristiyano ka, dalawa ang iyong kaarawan, kaarawan ng kapanganakan sa laman  at ang mas mahalaga, ang kaarawan ng kamatayan sa kasalanan.

Eccles 7:1  Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan.

Nabasa ko kasi sa Bible na yang pag-iinom na yan at paglalasing ay kalayawan lamang na nagdudulot ng karumihan sa laman. Mantak mong maghapon ka nang nag-iinom. Suka dito, suka doon, at pag-uwi mo ng bahay, ikaw pa ang galit sa asawa mo.

Gal 5:21  Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

Ang hindi ko maintindihan sa Birthday ay yung magsisindi pa ng kandila na nasa ibabaw ng cake at pai-ihipan sa birthday celebrant.  Mantak mong puro talsik ng laway at hininga nung birthday celebrant ang mapupunta dun sa cake. Kaya ako, hindi mo talaga ako mapapakain ng cake na galing sa Birthday party. Ma arte na kung ma arte. Sorry, pero di ko talaga carry.

Advertisements

About Elpidio Cerezo Biado

I am a licensed real estate broker from Antipolo Philippines.
This entry was posted in Birthday and tagged , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s