House Blessing

kastoy--houseblessingMay bagong bahay at kailangang mabendisyunan o mawisikan ng holy water para daw suwertehin ang mga titira.

Sa pagkaka-alam ko, iwisik mo man ang buong tubig ng dagat sa bago mong itinayong bahay, sa bagong kotse o sa anomang bagong gamit, walang epekto ito sa magiging kapalaran ng mga taong titira o gagamit.

Kumbidahin mo man ang lahat ng Pastor, Pari at kung sinu-sinong Ministro at manalangin ng walang tigil gabi’t araw, hindi yan magiging epektib at pawang walang kabuluhan sa Dios.

Sa totoo lang, ang Dios ay nagpapasikat ng araw at nagpapa-ulan sa mabubuti at sa masasama.

Mt 5:45  Upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka’t pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.

Subali’t, ang pagpapagaling sa lupain at kabuhayan ng tao ay depende sa kanyang paraan ng pamumuhay.  Ang kondisyon ng Dios sa kanyang pagpapalain at tatawagin niyang bayan ay ito:

2 Chron 7:14  Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

Kung ang pagpapala sa lupain ay ang pagtalikod sa masasamang mga lakad, may blessing ba ang bahay at kotse ng magnanakaw, babaero, lasenggero at sugarol? Wala tayong ma-ililihim na mga gawa sa mata ng Dios at kahit gawin mo yan ng walang nakakakita, tandaan mo kapatid, mas malawak ang sakop ng mata ng Dios na nasa langit kaysa sa CCTV o Camera na nasa lupa.

Advertisements

About Elpidio Cerezo Biado

I am a licensed real estate broker from Antipolo Philippines.
This entry was posted in Nakaugalian and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s