Kamangyan

kastoy-sikatanngarawAng kamangyan ay hinahandog ng mga pari sa harapan ng altar. Ito ay isang ritual na ginagawa ng mga katoliko kasabay ng misa.

Ito ay mabango at mausok kaya naman maaamoy mo siya kahit nasa labas ka pa ng gusali.

Minsan naitanong ko sa aking sarili, kailangan ba talaga ng Dios ang usok ng kamangyan?

Parang ang babaw naman, usok lang ng kamangyan eh masaya na Siya.

Ang kamangyan ay pinakahulugan na literal ng mga bumabasa ng Biblia. Ginawang isang ritual na may anyo ng kabanalan ngunit walang malinaw na kahulugan. 

Rev 5:8  At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu’t apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa’t isa’y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.

Magmula sa sinisikatan ng araw, ang Dios ay paghahandugan ng kamangyan at pagpapasalamat ng mga Gentil.

Mal 1:11 Sapagka’t mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawa’t dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka’t ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Jer 30:19 At mula sa kanila magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: at aking pararamihin sila, at sila’y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila’y hindi magiging maliit.

Ang alam ko, hindi ko maihahandog sa Dios ang mga bagay na nanggaling sa kanya maliban lang na alayan ko Siya ng panalangin at pagpapasalamat.

Acts 17:24 Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa’y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;

Acts 17:25 Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya’y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;

Anoman ang literal na paniniwala natin sa epektibong gamit ng kamangyan, positive energy, good vibes, pagtaboy sa masasamang espiritu, pangkontra sa kulam at kung anu-ano pa, ang kamangyan ay isang espiritual na salita ng Biblia na ang ibig sabihin ay mga panalangin ng mga banal.

Advertisements

About Elpidio Cerezo Biado

I am a licensed real estate broker from Antipolo Philippines.
This entry was posted in kabanalan and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s