Sino Ako

Napapaloob sa paskil na ito ay mga salita ng Dios na mahirap maunawaan.

Dan 12:10 Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni’t ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni’t silang pantas ay mangakakaunawa.

Layon nito ay ang makapag-akay ng mga kaluluwang naliligaw ng landas bagama’t hindi lahat ay makaka-unawa lalong lalo na yung mga nasa kadiliman.

1 Thess 5:5 Sapagka’t kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo’y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;

Dapat ninyong malaman na gaya ninyo ako man ay nagsusumikap na maging dapat sa Dios at handang magtiis hanggang wakas.

Acts 24:16 Na dahil nga rito’y lagi rin akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao.

Na may panampalatayang panatag na may pagasa sa buhay na walang hanggan.

Ngayo’y narito, dinggin mo ang mga salita, hindi ng salita ko, kundi ng mga salita ng Dios na magsisilbing tanglaw mo sa kadiliman papunta sa liwanag ng buhay ngayon at hanggang sa panahon ng iyong kawakasan.

2 Tim 3:16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

Dalangin ko ang iyong pagbabago sa ikatitibay. My Christian blog in English: www.kaspagarigan.wordpress.com

17 Responses to Sino Ako

  1. hisnameisdencios ay nagsasabing:

    Lahat ng tao may kwenta 🙂 ingat!

    Like

    • kastoy ay nagsasabing:

      Oy salamat parekoy sa pagdaan mo.

      Pa humble lang ako noh! Sama kita sa astig kong mga website.

      Pero may tao talagang wala ng kwenta, katulad ni Alejandro at Himeneo na ibinigay ni San Pablo kay Satanas nang nabubuhay pa upang ang iba’y huwag nilang maturuan na mamusong.

      Sila yung mga lumalaban sa aral ni Kristo.

      2 Cor 13:5 Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo’y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo’y itinakuwil na.

      Like

  2. hisnameisdencios ay nagsasabing:

    nabasa ko nga bossing iyang links na iyan sa BS. lagay din kita sa aking bloglinks!

    Like

  3. fiel-kun ay nagsasabing:

    Good morning po sir!

    Maraming salamat po sa pagbisita at kumento nyo sa aking blog.

    Maaari po bang makipaglink exchange sa inyo?

    Salamat po!

    Like

  4. guerdon ay nagsasabing:

    seryosong blogger pala kayo. haha! mga tula ko lang ang nakapaskil doon sa nabasa ninyong site. pero salamat sa pagdalaw at pagpuna. di ako madalas makagawa sa tagalog ng mga tulang espiritwal, pero dahil sa blog ninyo, balak ko tuloy magsulat. dun sa english kong blog medyo mas madami. 🙂

    magandang araw!

    Like

  5. Sikat ang Pinoy ay nagsasabing:

    Hello kaspangaringan!

    Maari bang makipag link exchange sayo? Eto po ang aming website:

    URL: http://www.walakasaloloko.info
    Title: Sikat ang Pinoy – Wala ka sa LOLO ko

    Mangyaring paki-email nalang po ako sa walakasaloloko@gmail.com kung kayo ay pumapayag sa aking munting kahilingan.

    Lubos na gumagalang,
    http://www.walakasaloloko.info

    P.S. Maraming salamat sa pagdalaw sa aming website!

    Like

  6. Sikat ang Pinoy ay nagsasabing:

    Maraming Salamat po! Ang inyong website ay naitala na po namin sa listahan ng aming mga kaibigan.

    http://www.walakasaloloko.info/mga-kaibigan/

    Mabuhay!

    Like

  7. koSA ay nagsasabing:

    napadaan lang apo!
    hehe.. medyo naattract lang po ako sa title ng blog!
    ilokano word?
    hehe

    Like

    • kastoy ay nagsasabing:

      Oo kosa, ilokano word yan na ang ibig sabihin ay for example.

      Lagi kasi akong nagkukumpara. Sabi kasi yun ng kasulatan.

      Eccles 7:27 Narito, ito’y aking nasumpungan, sabi ng Mangangaral, na iniaagapay ang isang bagay sa iba, upang matagpuan ang kadahilanan:

      Yun nga lang hindi ako Mangangaral. 😆

      Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s